Democracy Voucher Program

Democracy Vouchers - Filipino / Tagalog
Democracy Vouchers Public Service Announcement - Filipino / Tagalog
8/7/20172:12

"Iskrip ng Isinaling Anunsiyo ng Pampublikong Serbisyo"

Natanggap ninyo ba ang inyong mga Voucher ng Demokrasya (Democracy Vouchers)? Kung hindi, maaari pa rin kayong mag-apply!

Ang Lungsod ng Seattle (City of Seattle) ay magbibigay sa mga karapat-dapat na residente ng Seattle ng $100 sa mga Voucher ng Demokrasya (Democracy Vouchers) na maaari nilang gamitin sa pagsuporta sa mga nakikilahok na kandidato na tumatakbo para sa Konseho ng Lungsod o Abogado ng Lungsod ng Seattle.

Upang maging karapat-dapat, dapat kayong isang residente ng Seattle, hindi bababa sa 18 taong edad, at maging kahit alin sa mamamayan ng U.S., nasyonal ng U.S., o permanenteng residente na ayon sa batas ("mayhawak ng green card").

Kung kayo ay rehistradong botante, maaaring natanggap na ninyo ang mga voucher na ito.

Hindi mahanap ang inyong mga voucher? O gusto ang mga Voucher ng Demokrasya (Democracy Voucher) ninyo sa naiibang wika? Maaari kayong humiling ng mga pamalit o humiling ng inyong mga voucher sa isa sa 15 na mga wikang mayroon. Makipag-ugnayan sa amin sa araw na ito sa 206-727-8855. Tulong sa wika ay mayroon.

Sino ang maaari ninyong bigyan ng inyong mga voucher? Ang kumpletong listahan ng mga nakikilahok na kandidato ay mayroon na ngayon. Bisitahin ang seattle.gov/democracyvoucher o tumawag sa (206) 727-8855 at humiling ng pasalitang tagasalin sa inyong wika.

7011701-Tagalog

Filter by Keyword

Display:
Items per page
Display Format